Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Tampok

namamatay rin pala

Ang dating magkabigkis, dinala na ng hagupit ng hampas ng mga alon Yung ilang ulit mong hiniling na huwag sanang mawaglit, dahan-dahan din palang bibitiw Hindi lahat ng nasasabit, kaya mong bawiin sa pagkumpuni Sumobra sa mga dinawit, kaya't nasira na ang mahigpit na tali Ang halaman na palaging inaalagaan, iniingatan, dinidiligan, at palagiang kinakausap Nawalan na ng buhay, nalanta, matamlay... kalauna'y namatay na Mahirap palitan ang nabati... maibabalik pa ba ang dating pagkabatid? Wala nang pasubali, mga tangkay na nabali, itatapon na lang nang walang wari

Mga Pinakabagong Post

A heartache to remember

tigil. hinto. titig.

huling indak ng dalawang pares ng parehong kaliwang paa

pag-usad

luha

bughaw