bughaw
May mahalaga pa ring espasyo na para sa iyo. Matagal mo nang nilaktawan, matagal mo na rin sigurong kinalimutan. Hindi ko na mawari ilang beses ko nang niloko ang sarili ko.
Mahalaga ka pa rin sa akin. Kakaiba pa rin ang aking damdamin, sa tuwing nakikita kita at sumasagi ka sa isipan ko.
Nakakapanghinayang. Hindi talaga sapat. Hindi naman talaga naging sapat. Ang ako para sa'yo. Wala naman talaga kasing naging tayo.
Puro pakipot, puro asaran, puro walang kasiguraduhan. Mababaw kung sasabihin.
Hindi naman pala, wala ka naman talagang balak. Mali mo lang, mali ka ng inaakala. Inakala mong magiging okay lang ang lahat. Mali, naging magulo ang lahat.
Akala ko rin. Hindi ko talaga maatim.
Mahirap yung mismong sarili mo yung gumagawa ng panloloko sa'yo. Sa lagay ko, sarili ko ang nagpapalala ng mga sitwasyon.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento