tigil. hinto. titig.

    Sa pagkatanto, napapatigil ka sa mga ginagawa dahil sa naiisip. Nahinto ang bawat lakas ng loob, ang pintig ng puso mo ay naririnig. Tila ang oras ay huminto, at patuloy lamang na walang nangyayari dahil sa walang katiyakan. Tititigan mo na lang ang kahapon, kung saan may nakaraan na hindi mo na mababago ngunit kinakaya mong talikuran na may kasamang pagpupumilit na makabangon.

    Sa nangangarap na ako kahapon, nagbago ka na kaagad sa sandaling paglingon. Huli nang napagtanto ngunit makakaasa kang maninibago. Nagtanim ng binhi na hindi sumibol. Kumikislap ang mga mata sa kagustuhang matupad ang pangarap. Naniniwala ka pa sa sarili subalit sa kasamaang palad, isang iglap lang at nabuwag ang mga bloke na inuunti-unti mong itayo para maging matayog. 

Mga Komento