huling indak ng dalawang pares ng parehong kaliwang paa
"Hindi ko naman yata ikamamatay kung hindi ko mahawakan ang iyong kamay... handa 'kong mabuhay sa 'king kalokohan..."
Waltz of the Four Left Feet by Shirebound Busking
Paano kung aminin kong nandito pa rin? Tipong nanatili lang pala at hindi talaga nakausad. Pagpapanggap lang ang lahat. Walang katotohanan ang mga nasabi sapagkat magmumukha kang hibang sa pagiging totoo.
Ngunit alam mo... sa totoo lang, 'di na ako 'yung mamimilipit sa kakapilit dahil simula't sapul naman, 'di naman ipinagpipilit.
Nagbabakasakali lang naman na maibalik ang namuong samahan. Nakakapanghinayang kasi. Ikaw ang namukod-tangi sa akin.
Nangungulila sa 'yo.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento