namamatay rin pala

Ang dating magkabigkis, dinala na ng hagupit ng hampas ng mga alon

Yung ilang ulit mong hiniling na huwag sanang mawaglit, dahan-dahan din palang bibitiw

Hindi lahat ng nasasabit, kaya mong bawiin sa pagkumpuni

Sumobra sa mga dinawit, kaya't nasira na ang mahigpit na tali

Ang halaman na palaging inaalagaan, iniingatan, dinidiligan, at palagiang kinakausap

Nawalan na ng buhay, nalanta, matamlay... kalauna'y namatay na

Mahirap palitan ang nabati... maibabalik pa ba ang dating pagkabatid?

Wala nang pasubali, mga tangkay na nabali, itatapon na lang nang walang wari

Mga Komento